meri xmas sa lahat ;)

About Me

your name:

url:

your message:

Entries for December, 2004

December 4th, 2004

prendster hacked?

Posted by raciram at 08:07 AM on December 4, 2004.

excited akong nagbukas ng prendster ngayon... pero lungkot ang naramdaman ko ng mabasa ko ito:


www.prendster.com

To our valued users,

We are sad to inform you that Prendster has been a victim of internet hackers.

We do not know when our services will be restored.

It's just so frustrating that this has happened on our Anniversary month. For the information of those unaware, Prendster will turn a year old on December 22, 2004.

We apologize for the inconvenience. Please bear with us as we are doing our best to find a solution to this problem.
For the meantime, you may use our
Web-based IRC.

If you have mIRC or similar client,
connect to irc.dal.net and join #prendster

Thank you for your understanding, patience, and support.

- Prendster Management



kung sino man ang walang pusong me kagagawan nito.. isa lang syang salot sa buhay ng prendster pipol dahil tinanggalan niya ng kasiyahan ang bawat prendster member na mag enjoy at makasalamuha ulit ang mga kaibigan at naging kaibigan dito sa prendster....

5 kurukuro

December 8th, 2004

DEC. 5 ANTIPOLO'S 50th anniversary and blessing of the new alta

Posted by raciram at 07:16 PM on December 8, 2004.

update pa rin to about antipolo...l

last sunday ang 50th anniv. ng church... talagang inisked ko ang pagbalik dito rain or shine, me sakit o wala dahil gusto kong maging part ng celebration nila...

sa ilang beses kong pagsimba dun.. nun lang ako naka akyat to kiss the blessed virgin's mantel...ang haba ng pila.. yong single pile e naging 3 sa baba and then pagdating sa hagdan e naging 2 nalang.. pag akyat mo sa taas una mong makikita ang mga jewelries na isinuot ng birhen ng antipolo and then yong poster kung saan nakasulat ang history ng Our Lady of Peace and Good Voyage... tapos me pa slanting na papa akyat kung saan nandun nakalawit ung dulo ng mantel ng birhen at makikita mo sa ibaba ang mga taong kasalukuyang nakikinig sa misa....after dun... another set of posters kung saan ang history naman ng church of antipolo ang nandun... and also yong historical scepter at crown and yong damit na sinuot nya noong 1954 ng magkaron ng parada and also yong 1950's din na until now bagong bago pa rin....

sayang nga lang at di pede kuhanan ng pic...

pagkababa namin tumuloy kami sa me likod ng natirang alala ng old antipolo church...yong pic jan na me birhen sa itaas at me mga bata naman na umakyat na hindi man lang sinaway ng mga nanay na wag paglaruan ang lugar na yon.. tsk tsk tsk....


tingnan nyo to...ang ganda ng antipolo ngayon
http://www.antipolocity.com/church.htm
http://www.antipolocity.com/main.htm
for the history of the national shrine of Our Lady of Peace and Good Voyage... ang Birhen ng Antioplo....go here:

http://www.acc-seattle.com/forms/statue_of_our_lady_of_antipolo.pdf#search='our%20lady%20peace%20good%20voyage'

walang komento

dec. 08, 2004jealousy? can it ruin a relationship?

Posted by raciram at 07:39 PM on December 8, 2004.

haaay over na to.. feeling ko naman ang ganda ganda ko para pag selosan to the max... susme.. ano bang meron ako at ayaw akong tantanan? este.. ayaw akong pakawalan kahit na ayoko na? suko na ako .. i mean sawa na pala sa ganitong takbo ng relasyon... sinubukan kong maging understanding.. pero saglit ko lang maramdaman yon e.. mas nangingibabaw ang duda... pero bakit nga ba? hindi bat tayong mga babae pag me naramdaman na instinct about something e usually totoo un?

di ko alam until when ako tatagal ng ganito...ipinakita ko na different sides of me.. pero.. sad to say.. wala pa ring pagbabago.. nagtatagal lang kami na... wala lang.. yun lang.. parang me kulang pa rin.. parang me hinahanap pa rin ako...

haay pag ibig nga naman........ ang hirap arukin.......

11 kurukuro

December 14th, 2004

torete....

Posted by raciram at 02:18 PM on December 14, 2004.

torete talaga ako ngayon garaw na to... kahapon pa actually... buti nga ngayon nakakakanta na ako.. as in ini imagine ko nalng yong nakita kong girl na singer sa wow philippines na kinakanta ito....

nasira araw ko kahapon at tyak ko whole week akong ganito... grrr bakit ba me mga taong bukod sa manhid na e ubod pa ng kapal ang mukha at di makaramdam na galit ka na sa kanila at ayaw mo na sila makita kelan man.........

dami kong nagawang pangit dahil sa galit kong un ... mga bagay na di ko nagagawa dati ay ginawa ko maibsan lang ang galit na nararamdaman ko mula kahapon... sasabog ata ako feeling ko pag di ko nailabas ang galit ko na yon... kaya pati mga bagay na walang kinalaman pinagbuntunan ko ng galit ko....

that beast.. hindi bitch ha... makakaganti din ako sa kanya...
Currently feeling: nanggigil sa galit

12 kurukuro

December 19th, 2004

ang pasko sa mga mandurukot at adik

Posted by raciram at 06:26 PM on December 19, 2004.

hmmm tagal tagal ko na rin di nakapagkwento ng ngyayari sa buhay buhay...

kahapon saturday....naisipan ko dumaan ng quaipo bago pumasok para bumili ng mga religious articles.. just when i was about to leave na .. me nakasalubong kaming 2 girl na ung isa e naka backpack... actually di ako ang nakapansin sa kanila kc i was busy looking dun sa mga tindang nadadaanan ko.... naghahanap kc ako ng saging na tropix... gustong gusto ko kc un e .... di ko alam na me ngyayari na palang di maganda sa paligid ko.. itinuro ng kasama ko ung 2 girl na naglalakad palayo na sa amin patungo ng way ng simbahan.. nakita ko binubuksan na nun mama un bag nya.. gusto ko tawagin kaso ang dami tao at di ko alam baka me kasama... ang galing ng teknik talaga.. sumusunod sila sa galaw mo... pag gumalaw un bag pupunta sya sa way kung san pumaling un bag hanggang sa ma open na ng husto un bag at makuha un wallet!!!!!! kainis... sarap murahin ng mandurukot kc kitang kita ko talaga kung pano nya kinuha at nung napansin ng girl na nabuksan bag nya naiyak sya... hinanap un nawawalang wallet kaso wala syang mapagtanungan dahil lahat ay nakatingin lang at walang masabi ..

at ung mandurukot??? nakatayo lang sa tabi na parang walang ngyari at ung mama na tindero na katabi nya e makikita mo un mukha na gustong sumigaw at tumulong pero wala syang magawa dahil sabog un mandurukot... ang tagal nya pa bago ipasok sa bulsa ung wallet ng babae..

ang initial reaction ko??? "ANG TANGA NAMAN NUn!"... di muna ako naawa sa babae.. kc ang tanga nya! maglalakad sya sa quaipo na feeling nya nag iisa lang sya at walang mandurukot to think na naka backpack pa sya at ung backpack nya e sa likod nya pa nilagay... sana inilagay nya nalang un wallet nya sa bulsa nya o kaya sa pinakailalim na di makukuha agad e kaso mo ang dali nakapa ng wallet ....

tsk tsk tsk... ang mga mandurukot at magnanakaw nga naman.. wala ng ginawa kundi umasa sa mga pinagpaguran ng iba.. at maghihintay lang ng tiyempo kung kelan makakuha ng pera.. lalo na ngayong magpapasko.. abalang abala sila sa paghahanda at pag kuha ng maraming pera at marami ding tao ang mawawalan ng wallet at pera o alahas pati na celphone para lamang me maipantustos sila sa luho nilang di nila kayang tustusan sa pagta trabaho ng matino

7 kurukuro

December 28th, 2004

hapi hapi hapi bday........

Posted by raciram at 06:53 PM on December 28, 2004.

kaarawan ng isang lalaki na syang pinakaguapo, pinakamabait (hmmm di ata pinaka... kc pagkamasungit to minsan e hehehe).... pinakamasipag....pinaka caring... pinaka maalalahanin pag me sakit ako... pinaka maasikaso lalo na sa mga food namin.... pinakagalante... pinaka understanding ( hmm mejo sabit na naman ata dito) at higit sa lahat........pinakamamahal ko sa buong mundo, ang aking dakilang tatay na kung wala sya ay wala rin ako sa mundong ibabaw....

eto ang araw ng kapanganakan nya....natutuwa ako sa kwento sa akin kanina ng mga tita at nanay ko... ang saya saya daw ng tatay ko sobra... panay daw sayaw at umaga pa lang e excited na magluto at pagkatapos magluto ay bumaba na at inayos sa baba para magpatugtog na and ayun... inuman na sila ng mga kaibigan nya...

me nagdrama.. me umiyak at syempre marami ang natuwa at tumawa.. galing daw mag sayaw ng tatay ko kahit anong actionkaya lalo na pag cha cha... pang ballroom ang banat hehehehe

naisip ko lang... sana wag muna sya kunin.. at sana hindi ito ang maging huling kaarawan nya... sana pahabain pa ng konti ang buhay nya

1 kurukuro

ang disyembre ko ay malungkot.............

Posted by raciram at 07:18 PM on December 28, 2004.

... all the while i though i will be spending this christmas and greet the new year with a big smile ....... but some things came up ... and nasira na pasko at bagong taon ko.... i will forever hate that woman for everything ...........

pero kahit na hindi ako nag enjoy nun pasko sinigurado kong magiging masaya ang mga bata na umaasa ng mga aginaldo sa akin... masaya na rin ako at marami silang napasaya ko kahit pa nga broke na ako...

25 - xmas day: umalis lang kami at inaalagaan ko baby ko kasi me sakit at pati na rin ata ako e nahawa na kaya pag uwi ko masakit na rin ang ulo ko

dec. 26: inaya ako ng friend ko sa star city.. pumayag naman ako not thinking na madami pala tao dahil sunday at walang pasok pa rin kinabukasan.... kahit msakit ulo ko pinilit ko lng para lng samhan sila at un di rin me gano ng enjoy kc nga wala ako sa mood.. tuwang tuwa ang mga bata at ako nalang ang nagsilbing taga pila para sa knila dahil sobrang haba ng pila bawat rides....
Currently feeling: irritated

2 kurukuro